Saturday, August 6, 2011

BANSOT

Binabansot aking diwa
ng mga nakaumang na tingga
sadyang di kayang bigyang laya
ang mulat kong paniniwala
sa lipunang ang sistema
sa pagkaalipin nakatanikala.

Subalit noon yon...
Noong ako'y bata pa...
inosente, walang muwang...
puno ng takot...
ng pagkasindak....

Nagdaan ang maraming panahon,
Paubos na ang buhok sa bumbon,
Ang bansot ay naging higante,
Armadong intelehente,
Handang maging vigilante,
Kayang harapin sandamukal na elepante.

Naging dambuhalang mapanila,
ang dating uod na tulala,
Nagsaparu-parong magara,
upang protektahan ang mga mahina,
laban sa mga sakim na sugapa,
sa kapangyarihan nangayupapa!!!

No comments: