Kapayapaan ay hungkag
kung sikmura'y walang laman.
Mas maigi pang may digmaan,
kahit paano'y may laban
kung may armas na tangan.
Kaysa mamatay ng dilat
dahil sa matinding kagutuman
dahil na rin sa gobyernong
ang libangan ay parating
magbulagbulagan
sa kalunos lunos na sitwasyon
ng kanyang nasasakupan.
Bunga na rin ng lipunang
ang umiiral na sistema'y
walang piring na katarungan.
Ano pang bukas ang dapat asahan
ng ating mga kabataan?
Ayaw ko nang makialam,
Wala na akong pakialam
dahil baka ako pa ang mapagbintangang
lider ng mga kawatan!!!
Thursday, August 25, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment