Wednesday, March 17, 2010

Di Ako

Di ako relihiyoso,
lalong di ako paladasal,
pero gusto kong sambahin
ang mga buhay na dyosa.

Di ako magsasaka,
pero gusto kong magtanim
nang buti sa kapwa at
mag-ani ng buti rin.

Di ako santo
lalong di ako banal,
pero kailanman di ako susunod, sasang-ayon o kukomporme,
sa sistemang mapang-api, mapanlamang at mapang-abuso.

Di ako presidente, di ako hukom,
di militar, di brgy. tserman, di tanod, di pulis,
Di rin ako si superman, di si batman o si robin, di si hulk at spiderman,
lalong wala ako ni katiting na kapangyarihan ng nabanggit,
pero gusto kong lipulin lahat ng demonyo at mahilig sa mali!
latayan maging mata ng mga tiwali!
paslangin maging kaluluwa ng mga mapagkunwari!
at husgahan ang mga astang-hari!

No comments: