Wednesday, March 17, 2010

Di Ako

Di ako relihiyoso,
lalong di ako paladasal,
pero gusto kong sambahin
ang mga buhay na dyosa.

Di ako magsasaka,
pero gusto kong magtanim
nang buti sa kapwa at
mag-ani ng buti rin.

Di ako santo
lalong di ako banal,
pero kailanman di ako susunod, sasang-ayon o kukomporme,
sa sistemang mapang-api, mapanlamang at mapang-abuso.

Di ako presidente, di ako hukom,
di militar, di brgy. tserman, di tanod, di pulis,
Di rin ako si superman, di si batman o si robin, di si hulk at spiderman,
lalong wala ako ni katiting na kapangyarihan ng nabanggit,
pero gusto kong lipulin lahat ng demonyo at mahilig sa mali!
latayan maging mata ng mga tiwali!
paslangin maging kaluluwa ng mga mapagkunwari!
at husgahan ang mga astang-hari!

BISYON

Wala na sigurong mas magiging kahindik-hindik pa, kalunos-lunos, kasuklam-suklam, karima-rimarim, kaaba-aba, kaawa-awang estado ang sasapitin nating mga Pinoy kung ang ating iuupo sa malakanyang ay ang alinman sa mga pulitikong PANGINOONG MAYLUPA na taga HACIENDA LUISITA o ang MAHIRAP DAW KUNO pero may SANDAMUKAL na SUBDIBISYON na nakaranas na raw MALIGO sa DAGAT ng BASURA. Sa sobrang yaman nila, maaaring ang UTOT nila sa ngayon ay kaybango-bango na, kabaligtaran sa UTOT nating mga maralita na pagkabaho-baho.
Kung inaakala nyong giginhawa ang buhay natin matapos ang 9 na taong KALBARYO ng PAGTITIIS sa REHIMEN ni UNANO (rehimen na naturingang SIBILYAN ang PUNO, pero ang mga MILITAR ang talagang NAMUMUNO, kahit saang sangay ng gobyerno ka lumingon puro heneral) nagkakamali tayo dahil di na sapat ang LAWAY, DALDAL, ang TALINO, ang YAMAN, ang GALING kung ang INTERES nila ay SALUNGAT naman sa atin.
Maawa tayo sa ating mga ANAK, at sa mga darating pang HENERASYON ng KABATAANG malulubog sa BALON ng TAMBAK na UTANG at ng WALANG KATAPUSANG KAPAHAMAKAN. Tayo, bilang matatanda at nakakaunawa ay kailangan ng mag-isip ng tama. Ngayon na ang panahon. HITIK na HITIK na sa PAGNANAKNAK ang KABULUKAN ng umiiral na SISTEMA sa ating bansa. Kaya payo lang kaibigan sa darating na eleksyon, IBOTO ang TAMA. TAMA ang IBOTO. amen.